Sunday, December 4, 2016

PANAWAGAN SA KONTRIBUSYON: HARAYA: MGA HINABING SALITA, ANTOLOHIYA NG MGA MAIIKLING KATHA AT DAGLI

Ito na po ang bagong Guidelines ng aming contest. Malaki na po ang pagbabago nito. Hindi na po ito gagawing contest kundi panawagan para sa isang antolohiya. Mangyaring paki-share po para malaman din ng iba ang pagbabago. Ang mga nakapag-pasa na ay papadalhan namin ng email kung nais pa nila itong isali sa antolohiya.

PANAWAGAN SA KONTRIBUSYON: HARAYA: MGA HINABING SALITA, ANTOLOHIYA NG MGA MAIIKLING KATHA AT DAGLI

1.    Tanging ang mga naka-like lamang sa aming pahina ang maaaring magpasa.

2.    Amateur na manunulat lamang ang maaaring magpasa. Ang mga manunulat na nanalo na sa mga pambansang patimpalak ay hindi na maaaring sumali.

3.    Maaaring magpasa ng hanggang dalawang kwento ang indibidwal. Ang bawat maikling kwento ay hindi dapat bababa sa isang libo (1,000) at hindi lalampas sa limang libong (5,000) mga salita.

4.    Maaaring magpasa ng tatlo hanggang limang dagli ang indibidwal. Ang bawat dagli at hindi dapat lalampas sa limang daang (500) mga salita.

5.    Maaaring magpasa ng mga Maikling kwento at mga Dagli ang isang indibidwal.

6.    Ang mga akda ay dapat sumunod sa mga sumusunod na format: Times New Roman, 12 pt., 1.5 spacing, 1 inch margin on all sides, 8.5 x 11 document with page (Ex. Page 1 of 10) at the bottom center.
7.    Maaaring ipasa ang mga nanalo na sa ibang patimpalak kung ito ay hindi ilalathala bilang antolohiya. mangyaring ilahad ito sa CERTIFICATE OF ORIGINALITY. Hindi na maaaring ipasa ang mga nalathala na sa isang antolohiya o naka schedule na ilathala.

8.    Paghahatian ng mga matatanggap sa antolohiya ang dapat na papremyo ng kontes na isang libong pisong para sa maikling kwento at pitong daan sa dagli. (hindi na load). Bukod dito paghahati-hatian ng mga manunulat na mapapasama sa antolohiya ang sampung pursiyento (10%) sa Gross Sale ng magiging antolohiya. Magbibigay kami ng kontrata sa mga mapapasama sa antolohiya. Dito nakasaad ang kumpletong detalye tungkol sa publikasyon at kung paano ang magiging hatian sa sampung pursiyento (10%) ng gross sale at ilan pang mahahalagang detalye. Makakatanggap din sila ng libreng kopya ng antolohiya.

9.    Ang lahat ng lahok ay dadaan sa mga kilalang kritiko at manunulat. Sila ang mamimili kung alin ang mga maisasama sa antolohiya.

10.  Isang daang kopya ang unang ilalabas. Magkakaroon ng reprinting dipende sa demand ng antolohiya.

11.  Bawat aklat na maibebenta limang piso (5.00) ay mapupunta sa pondo para sa pagtulong sa isang foundation sa Disyembre 2017 (mamimili pa lang ang pamunuan kung anong foundation ang makakatanggap).

12.  Kailangan pa rin naming ang Entry Form at Certificate of Originality na mada-download sa

https://drive.google.com/…/0B17qBp8uIAAlWnpmUm5YLVJuQ…/view…

13.  I-edit ng Editor na itatalaga ng Haraya: Mga Hinabing Salita ang mga akdang matatanggap sa antolohiya (Gramatika at ispeling). Ibabalik sa manunbulat ang kanyang akda matapos ang editing.

14.  Ang manunulat lamang at hindi ang Editor ang magrerebisa ng kanyang akda kung kinakailangang irebisa para mas mapaganda pa ang kanyang akda.

15.  Ipadala ang mga akda kasabay ng accomplised Entry Form at Certificate of Originality sa harayamgahinabingsalita@gmail.com bago ang ika 15 ng Disyembre, 2016.

16.  Para sa ilang katanungan, tumawag o mag-text sa +63948-543-9905 o mag-email sa harayamgahinabingsalita@gmail.com

Mga ka-haraya, ito na po ang updated guidelines!

https://www.facebook.com/harayamgahinabingsalita/posts/1703309933313493

Sunday, November 13, 2016

Call For Submission

Sa mga patuloy na naghihintay at umaasa, hey! Heto na! Heto na! Sali na, mga ka-haraya para sa ating patimpalak na #HarayaMgaHinabingSalitaWritingContest

Para makasali, sundin lamang ang mga General Guidelines

1. Only those who liked our page join the contest.

2. Share this post.

3. Admins in this page cannot join the contest.

4. Contestant may join both category (Maikling Kwento and Dagli)

5. Contestant can send only one entry per category.

6. Those who had received National Literary Awards like Carlos Palanca Literary Awards can no longer join the contest.

7. For Maikling Kwento, entry must be composed of no less than 1,000 and no more than 5,000 words.

8. For Dagli, entry must be a collection of 3 Dagli, each must be composed of no less than 5 and no morethan 500 words.

9. All entries should follow the prescribed format: Times New Roman, 12 pt., 1.5 spacing, 1 inch margin on all sides, 8.5 x 11 document with page (Ex. Page 1 of 10) at the bottom center.

10. Entries will remain as the participant’s property. However, Haraya: Mga Hinabing Salita reserves the right to publish or use them in any activity.

11. Entries must be original and have not received any awards before the deadline. Works that have been published online (personal blog and personal face book account only) may be submitted. Those have been posted in any Facebook pages and other websites other than the personal account of contestants should not be submitted.

12. Real name, pseudonym, or any clue to the identity of the writer must not be written on the pages.

13. Judges composed of established authors, critics and academicians will select and declare the winners. The decision of the judges is final.

14. The judges will evaluate entries as a whole body of work.

15. The judges may declare no winner in a category depending on the merit of the work.

16. All participants must submit the accomplished Entry Form, Certificate of Originality together with their entry at harayamgahinabingsalita@gmail.com on or before December 9, 2016.

17. You can download the entry form and Certificate of Originality here:

*doc: https://drive.google.com/file/d/0B17qBp8uIAAlWnpmUm5YLVJuQzQ/view?usp=sharing
*pdf: https://drive.google.com/file/d/0B17qBp8uIAAlaHRIT2lGRW5ITnM/view?usp=sharing

18. Entries that do not comply with the requirements will not be processed.

19. Haraya Mga Hinabing Salita have the right to edit (technical editing) the Winning Entries for book publication. Entries that had a merit but did not won may also be edited and included in the anthology.

20. Winners will received the following Prizes:

MAIKLING KWENTO
First Prize- 500.00 Php Load and the future anthology
Second Prize- 300.00 Php Load and the future anthology
Third Prize- 200.00 Php Load and the future anthology

DAGLI
First Prize- 400.00 Php Load and the future anthology
Second Prize- 200.00 Php Load and the future anthology
Third Prize- 100.00 Php Load and the future anthology
Winners will pay for the Shipping Fee that may incured in sending the anthology.
Those work that will be included in the anthology will also received a free copy of the anthology.

21. By joining #HarayaMgaHinabingSalitaWritingContest , all participants are deemed to have accepted the rules of the contest and the terms and conditions set by the organizing committee

22. For queries, message us here or in harayamgahinabingsalita@gmail.com. You may also call or text +63948-543-9905.

O, kaya ano pang hinihintay ninyo mga Ka-Haraya, sali na!

Thursday, September 29, 2016

Rebolusyon Ng Sikmura

Ni Karl Santos

I.
Matagal nang kumakalam
Ang sikmura ng mamamayan.
Sinasanay tayo ng kapalaran na kainin kung ano ang nasa harapan:
Sa kamatis na walang tuyong kapares sa agahan;
Sa patis na walang maisawsaw na dilis sa tanghalian;
Sa pagtitiis at pagpiling itulog na lang ang hapunan.

Ang Rebolusyon ay magmumula sa mga kumukulong sikmura.

Hangga't may laman ang ating tiyan,
Mababawi natin ang kapangyarihan
Sa mga angkang nagsasalitang
Maupo sa trono't nagpapakayaman.

II.
Sabay sa pagsikat ng araw sa dalampasigan
Dadaong sa pampang ang mga maagang namalakaya.
Sa pabulong na kalam ng kanilang sikmura
Nakahalo ang sigaw ng kanilang pagdurusa.
Paulit-ulit nangingisda sa dagat ng mga sakim,
May mga pumapakyaw ng huli't sinasabuyan lang sila ng asin.

Subalit sa asin ay di tayo luluhod.
Matatalim na kristal-dagat ay di para sa tuhod,
Sapagkat kapag tayo'y ginigipit,
Sa maantang mantika't asin tayo kakapit.

Ang Rebolusyon ay magmumula sa mga kumukulong sikmura.

Hangga't may laman ang ating tiyan,
Mababawi natin ang kapangyarihan
Sa mga berdugong bihasa sa pagpugot
Ng dangal na ating itinataguyod.

III.
Taas-noo ang tanghaling-araw sa nakalatag na bukirin,
Kinakalmot ng sikat ang balat ng mga nagtatanim.
Sa pagpatak ng kanilang pawis sa lupa,
Nagiging putik ang pag-asang gutom ay humupa
Sa maghapong pagbibilad at pagtatanim ng palay
Sa bukid na may mga buwaya't halimaw.

Subalit sa pagtitiyaga natin sa kaning hindi umalsa,
Magkakalakas tayong magkasa ng baril at mag-alsa.
Darating ang araw na sa mga bungo ng mga de-puta
Magpupunla tayo ng kalayaan gamit ang mga pulang bala.

Ang Rebolusyon ay magmumula sa mga kumukulong sikmura.

Hangga't may laman ang ating tiyan,
Di mapapagot ang ating katinuan.
Alam natin kung kanino babawiin ang kapangyarihan
At kung kaninong diyos tayo hihingi ng kapatawaran.
Hangga't hindi tayo nabubusog sa kasaysayan,
Di natin maipanghihimagas ang kalayaan.